Trader grabe sa ambush
() - June 7, 2004 - 12:00am
CAMP CRAME – Nakikipagbuno ngayon kay kamatayan ang isang negosyanteng babae matapos na pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan kamakalawa sa Baguio City.

Sa ulat na tinanggap ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Hermogenes Ebdane Jr., nakilala ang biktima na si Leni Arguelles, 44, may-asawa, ng Camp Allen ng lungsod.

Base sa inisyal na pagsisiyasat, dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima sa tapat ng Kambingan ni Manong Luis sa Legarda Road ng siyudad na ito.

Nakatayo ang biktima sa gilid ng pulang Mitsubishi Adventure na may plakang LDH 233 nang lapitan ito ng mga armadong lalaki.

Ayon pa sa ulat, isa sa mga killer ang bumaril sa mukha ng biktima.

Matapos ang pamamaril ay agad ding nagsitakas ang mga suspek habang naisugod naman sa Baguio General Hospital ang biktima at agad nilapatan ng lunas.

Kasalukuyan pang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad ang kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

BAGUIO CITY BAGUIO GENERAL HOSPITAL CAMP ALLEN CHIEF P DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE JR. JOY CANTOS LEGARDA ROAD LENI ARGUELLES MANONG LUIS MITSUBISHI ADVENTURE
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with