Mga taksil na MILF nasa likod ng bombing
January 8, 2004 | 12:00am
Apat na suspek mula sa renegade faction ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pinaniniwalaang binayaran ng maimpluwensiyang pulitiko para isakatuparan ang malagim na pambobomba sa gymnasium ng Parang, Maguindanao noong linggo ng hapon, Enero 5.
Ayon kay AFP Public Information Office (AFP-PIO) Chief Lt. Col. Daniel Lucero ang mga suspek na sangkot sa pagpapasabog ay ibig isabotahe ang isinusulong na prosesong pangkapayapaan sa hanay ng GRP at MILF peace panel.
Ikinatwiran ni Lucero na nag-iwan ng simbolong MILF faction ang naganap na pagpapasabog na siyang gawain ng mga terorista na nagtangkang lumikida kay mayor Vivencio Bataga.
Magugunita na niyanig ng malakas na pagsabog ang gymnasium ng bayan ng Parang matapos na magtalumpati para sa liga ng basketball dito si Mayor Bataga noong nakalipas na Enero 5. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended