^

Probinsiya

Mister pinatay, anak at apo grabe

-
KAMPO SIMEON OLA – May posibilidad na tungkol sa revolutionary tax ang isa sa dahilan kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 64-anyos na magsasaka ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na pinaniwalaang mga rebeldeng New People’s Army kahapon ang madaling-araw sa Sitio Cabancalan, Barangat Mapanique, San Pascual, Masbate.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Esteban Rosello, samantalang ang anak na si Maricel Rosello, 30 at apong si Maryjen Rosello ay malubhang nasugatan matapos na tamaan ng ligaw na bala ng baril.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-3 ng madaling-araw nang pasukin ng mga armadong kalalakihan ang bahay ng pamilya Rosello na kasalukuyan naman natutulog ang mga biktima.

Umalingawngaw na ang sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa duguang iwanan ang mga biktima.

Agad naman rumesponde ang mga kapitbahay ng pamilya Rosello upang tumulong pero hindi na inabutan ang mga armadong lalaki. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAT MAPANIQUE

ED CASULLA

ESTEBAN ROSELLO

MARICEL ROSELLO

MARYJEN ROSELLO

NEW PEOPLE

ROSELLO

SAN PASCUAL

SITIO CABANCALAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with