^

Probinsiya

P30M droga nasamsam sa shabu lab

-
Camp Crame – Muli na namang umiskor ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos salakayin ang isang shabu laboratory na nakumpiskahan ng P30M shabu at mga kemikal sa isinagawang operasyon sa lalawigan ng Batangas nitong Biyernes ng gabi.

Ayon kay PDEA Director Gen. Anselmo Avenido Jr., pasado alas-8 ng gabi nang salakayin ng kanyang mga tauhan ang naturang shabu laboratory na matatagpuan sa St. Lazarus Village, Brgy. San Nicolas, Sto. Tomas ng lalawigang ito.

Sa nasabing operasyon ay nasakote ang maintainer ng shabu laboratory na kinilalang si Luisito Enumerable, isang welder at tubong Taal, Batangas na hindi na nakapalag sa raiding team.

Nasamsam sa lugar ang tinatayang 10 -15 kilo ng likido at solidong shabu products na ayon sa mga awtoridad ay ‘very crude’ dahilan sa posibleng idulot na ‘mental illness’ sa mga taong gagamit nito.

Base sa isinagawang beripikasyon, nabatid na minsan nang nabilanggo sa New Bilibid Prisons (NBP) ang suspek dahilan sa kasong pagtutulak ng illegal na droga pero nakatakas at nasangkot naman sa pagmamanupaktura ng shabu.

Nabatid pa kay P/Supt. Pepito Domantay ng PDEA Batangas , isang alyas Marcial ng Culiat, Tandang Sora, Quezon City ang umano’y sinusuplayan ng droga ni Enumerable na pakay ngayon ng hot pursuit operations ng mga awtoridad.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong kriminal laban sa nasakoteng suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANSELMO AVENIDO JR.

BATANGAS

CAMP CRAME

DIRECTOR GEN

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JOY CANTOS

LUISITO ENUMERABLE

NEW BILIBID PRISONS

PEPITO DOMANTAY

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with