^

Probinsiya

Bus sinunog ng NPA rebs

-
CAMP AGUINALDO – Naghasik na naman ng karahasan ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang manunog na naman ng pampasaherong bus na bumabagtas sa kahabaan ng national highway na sakop ng Tigbao, Zamboanga del Sur kamakalawa.

Base sa ulat na ipinarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naitala ang panununog bandang alas-8 ng umaga sa harap ng sementeryo sa Mt. Timolan, Barangay Upper Nilo ng naturang lugar.

Ayon pa sa ulat na hinarang ng mga rebelde ang BL Transit bus patungong Zamboanga Sibugay bago dinala sa naturang lugar.

Pinababa muna ang mga pasahero kabilang na ang drayber at conductor saka binuhusan ng gasolina at sinilaban.

May palagay ang pulisya na tumatangging magbigay ng revolutionary tax ang may-ari ng bus kaya sinilaban ang sasakyan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

BARANGAY UPPER NILO

CAMP AGUINALDO

JOY CANTOS

MT. TIMOLAN

NAGHASIK

NEW PEOPLE

PINABABA

TIGBAO

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with