^

Probinsiya

2 Kampo Ng Npa Nakubkob

-
CAMP AGUINALDO – Dalawang malaking kampo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) Ang iniulat na nakubkob ng militar sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Iloilo at Masbate kamakalawa.

Base sa ulat na isinumite kahapon sa Camp Aguinaldo, unang nakubkob ng Army’s 12th Infantry Battalion ang kampo ng mga rebelde sa liblib na bahagi ng Sitio Balikan, Barangay Garangan, Calinog, Iloilo.

Maaaring namalagi ang 50 rebelde sa nadiskubreng kampo at kasabay na natagpuan ang mga subersibong dokumento.

Sumunod namang nakubkob ng mga kawal ang Army’s 2nd Infantry Battalion ang kampo sa Kagubatang sakop ng Barangay Cabugao, San Fernando, Masbate makaraang magsagawa ng patrolyang pandigma.

Ayon pa sa ulat, nadiskubre ang kampo sa Barangay Cabugao matapos na madakip ang isang rebelde na si Ka Gerry na siyang nagturo sa militar. Ang kampo ay may apat na kubo at maaaring mamahay ang 30 rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY CABUGAO

BARANGAY GARANGAN

CAMP AGUINALDO

ILOILO

INFANTRY BATTALION

JOY CANTOS

KA GERRY

MASBATE

NEW PEOPLE

SAN FERNANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with