^

Probinsiya

CAFGU, MILF todas sa encounter

-
Napaslang ang isang miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Units (CAFGU) at isang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front Lost Command na nagresulta rin sa pagkasugat ng isa pang militiaman matapos na muling magsagupa ang tropa ng militar at mga rebeldeng MILFsa Malabang, Lanao del Sur nitong Biyernes ng gabi.

Gayunman, hindi agad nalaman ang pangalan ng mga nasawi at nasugatan sa naganap na bakbakan.

Ayon kay Army spokesman Lt. Col. Mayoralgo dela Cruz, sumiklab ang sagupaan bandang alas-6:45 ng gabi habang sinusuyod ng mga operatiba ng 8th CAFGU Active Auxiliary Company ang masukal na bahagi ng Barangay Springside sa bayan ng Malabang.

Nagpasya na lamang ang mga rebeldeng Muslim na lisanin ang lugar ng maramdaman na nadedehado na sa labanan.

Iniwan na lamang ng mga tumakas na rebelde na pinaniniwalaang mga sugatan ang bangkay ng nasawi nilang kasamahan sa encounter site.

Nagpapatuloy naman ang hot pursuit operations laban sa grupo ng mga nagsitakas na rebelde na patuloy sa paghahasik ng karahasan sa iba’t ibang bayan sa naturang lalawigan. (Ulat ni Joy Cantos)

ACTIVE AUXILIARY COMPANY

AYON

BARANGAY SPRINGSIDE

BIYERNES

CITIZENS ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNITS

CRUZ

JOY CANTOS

MALABANG

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT LOST COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with