^

Probinsiya

Dating hukom tinodas ng mga magnanakaw

-
IRIGA CITY – Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang isang dating hukom ng mga hindi kilalang kalalakihan na nanloob sa bahay ng biktima sa Brgy. San Roque sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Dalawampung saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktimang si Vidal Nepomuceno, 67, may asawa, dating hukom sa Iriga City Regional Trial Court (RTC) at residente ng nabanggit na barangay.

Samantala, ang mga mandurugas na pinalalagay na kakilala ng biktima ay nagsitakas matapos na limasin ang mga mahahalagang bagay ng matanda.

Pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan ng dalawang lalaki na dinampot ng pulisya upang isailalim sa masusing pagsisiyasat na pinaniniwalaang may kaugnayan sa krimen.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima na duguang nakahandusay sa ibabang bahagi ng kanilang bahay bandang alas-11 ng gabi.

May teorya ang pulisya na tiyempuhang nag-iisa ang biktima dahil sa may dinaluhang party ang asawa nito. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BATAY

BRGY

DALAWAMPUNG

ED CASULLA

IRIGA CITY REGIONAL TRIAL COURT

PANSAMANTALANG

PINAGTULUNGANG

SAMANTALA

SAN ROQUE

VIDAL NEPOMUCENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with