^

Probinsiya

Mag-utol na nene nalitson ng buhay

-
IRIGA CITY – Kumpirmadong nalitson ng buhay ang mag-utol na nene, samantala, malubhang nasugatan naman ang kanilang ama makaraang masunog ang tinutuluyang bahay ng mga biktima sa Zone 2, Brgy. San Agustin sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Magkayakap na nasawi ang magkapatid na babae na sina Jessa, 2-anyos at Jasmin Villegas, isang buwan at kalahating gulang, samantala, nasa Iriga City Hospital ang amang si Joseph Villegas, 32, na ngayon ay inoobserbahan dahil sa tinamong 3rd degree burn sa buong katawan.

Napag-alaman na kasalukuyang natutulog ang magkapatid sa loob ng kanilang bahay habang wala ang ama at ang ina naman ay nasa trabaho.

Sa hindi nabatid na dahilan ay biglang kumalat ang apoy mula sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya, namataan ng ama ang sunog kaya tinangkang pasukin nito ang kanilang bahay ngunit sa mabilis na pagkalat ng apoy ay hindi na nakuha pang mailigtas ng buhay ang kanyang mga anak na nagresulta rin upang masunog ang kanyang katawan. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BRGY

ED CASULLA

IRIGA CITY HOSPITAL

JASMIN VILLEGAS

JESSA

JOSEPH VILLEGAS

KUMPIRMADONG

MAGKAYAKAP

NABATID

SAN AGUSTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with