^

Probinsiya

Rapist ng guro pinatay sa sariling bahay

-
TANZA, Cavite – Isang trike driver na pinaniniwalaang pangunahing suspek sa panghahalay sa isang guro ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng dalawang hindi kilalang lalaki habang ang biktima ay nagpapahinga sa sariling bahay sa Phase 2 Carissa Homes Subd., Brgy. Bagtas ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril ay nakilalang si Ferdinand Buenaventura, 33, may asawa ng nabanggit na barangay.

Base sa ulat ng pulisya, si Buenaventura ay personal driver ng isang teacher na kanyang ginahasa sa liblib at madamong lugar sa naturang barangay.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ni PO3 Celino Javier, nagreklamo ng panghahalay laban sa kanyang personal trike driver sa himpilan ng pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Miriam, isang teacher na ipinagmamaneho ni Buenaventura ng tricycle patungong eskuwelahan mula tinitirhang bahay.

Ilang oras pa lamang nagsampa ng reklamo si Miriam ay natagpuan naman patay si Buenaventura na pinalalagay ng pulisya na may kaugnayan sa panghahalay na ginawa niya sa pinagsisilbihang guro. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BAGTAS

BRGY

BUENAVENTURA

CARISSA HOMES SUBD

CAVITE

CELINO JAVIER

CRISTINA GO-TIMBANG

FERDINAND BUENAVENTURA

ILANG

ISANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with