^

Probinsiya

Navarette, tinaga ng kapitbahay, kritikal

-
Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan si ex-World Junior Lightweight Champion Rolando Navarette makaraang pagtatagain sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng kanyang kapitbahay na lalaki dahil sa mainitang pagtatalo sa hindi nabatid na kadahilanan sa labas ng sariling bahay sa llido Subd., Lagao, General Santos City.

Inoobserbahan ngayon ang tinaguriang ‘Bad Boy of Dadiangas’ sa St. Elizabeth General Hospital dahil sa malalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at nagkalamat ang bungo na resulta ng malakas na pagkakataga ng itak ni Elmer Yuson.

Ayon kay Dr. Jesus Veneracion, tatagal ng may isang linggo si Navarette sa ospital dahil nagkaroon ng lamat ang bungo nito.

Magugunitang huling nakalaban sa international boxing arena ni Navarette si Rafael "Bazooka" Lemon noong 1980 sa Hawaii bago nadale ng ‘US Mafia’ na naging sanhi upang makulong sa naturang bansa.

Naging kontrobersyal boxer si Navarette dahil sa sunud-sunod na panalo bago naging ‘sugapa sa droga at alak’ at masangkot sa iba pang kaso (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

BAD BOY OF DADIANGAS

DR. JESUS VENERACION

ELMER YUSON

GENERAL SANTOS CITY

INOOBSERBAHAN

KASALUKUYANG

NAVARETTE

ROSE TAMAYO

ST. ELIZABETH GENERAL HOSPITAL

WORLD JUNIOR LIGHTWEIGHT CHAMPION ROLANDO NAVARETTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with