^

Probinsiya

3 patay sa ambus

-
Tatlo katao ang nasawi kabilang ang isang mag-asawang negosyante habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa Tuguegarao City kamakalawa.

Kinilala ang nasawing mag-asawa na sina Hermogenes, 52 at Carina Langcay, 55. Ang isa pang nasawi ay nakilalang si Mila Robles, 19, estudyante.

Nakilala naman ang nasa kritikal na kondisyon na si Antonio Pamittan, 18, na kasalukuyang nasa People’s Emergency Hospital.

Sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-9:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa kahabaan ng highway ng Brgy. Caritan Centro, Tuguegarao City.

Sa pagsisiyasat, ang mga biktima ay kasalukuyang lulan ng tricycle na minamaneho ni Hermogenes at pagsapit sa tapat ng gate ng North Central School Gate ay bigla na lamang pinagbabaril ng di pa nakilalang gunman.

Hindi pa mabatid ng mga awtoridad kung ano ang motibo ng krimen na pinaniniwalaang hired killers ng isa sa mahigpit nitong kalaban sa negosyo. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANTONIO PAMITTAN

CAMP CRAME

CARINA LANGCAY

CARITAN CENTRO

EMERGENCY HOSPITAL

HERMOGENES

JOY CANTOS

MILA ROBLES

NORTH CENTRAL SCHOOL GATE

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with