^

Probinsiya

Negosyante patay sa ambus

-
TRECE MARTIREZ CITY, Cavite – Isang mayamang negosyanteng lalaki ang iniulat na nasawi makaraang tambangan hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nagmamaneho ng kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Brgy. Hugo Perez ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Idineklarang patay sa Mark James Hospital ang biktimang si Orlando Dumandal, 36, may asawa, isang poultry farm owner at residente ng Blk 26, Lot 2 Trillon St., Phase 2 ng Brgy. Lapidario ng naturang lugar.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO1 Benjamin Villanueva, Jr., may hawak ng kaso, naganap ang pananambang dakong alas-11:35 ng gabi habang papauwi ang biktima mula sa kanyang poultry farm.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pananambang sa biktima na posibleng may kinalaman sa negosyo. (Ulat ni Mading Sarmiento)

vuukle comment

BENJAMIN VILLANUEVA

BRGY

CAVITE

HUGO PEREZ

IDINEKLARANG

INAALAM

MADING SARMIENTO

MARK JAMES HOSPITAL

ORLANDO DUMANDAL

TRILLON ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with