Ex-mayor dinedo ng MILF rebels
August 7, 2001 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang isang dating alkalde habang ito ay naglalakad sa Iligan City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Dead on the spot matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktimang si ex-Mayor Samo Alando ng Nunungan, Lanao del Sur.
Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, dakong ala-1:30 ng hapon nang pagbabarilin ng mga suspek ang biktima sa kahabaan ng DBP Road sa Brgy. Mayahayahay, Iligan City.
Lumilitaw sa imbestigasyon na bago naganap ang insidente ay nakatanggap ng death threats ang biktima mula sa hindi nagpakilalang lalaki.
Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ng mga operatiba ng pulisya ang motibo ng krimen at naglunsad na rin ng hot pursuit operations upang tugisin ang mga suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest