^

Probinsiya

Police official dedo sa ambush

-
KAMPO SIMEON OLA – Isang mataas na opisyal ng pulisya na nakatalaga sa Sorsogon Provincial Command ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), kamakalawa ng umaga habang ang biktima ay nagmamaneho ng kotse sa kahabaan ng Sitio Misalay, Barangay Macalaya ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si P/Supt. William Garan, may asawa at residente ng Castilla, Sorsogon.

Si Garan ay dating hepe ng Regional Special Action Group sa Kampo Simeon Ola.

Batay sa inisyal na ulat ni Bicol Police Chief Robert Delfin, naganap ang pananambang dakong alas-10:00 ng umaga habang binabagtas ng biktima sakay ng Isuzu Fuego ang kahabaan ng nabanggit na lugar patungong Cumadcad, Castilla.

Bigla umanong hinarang ang biktima ng pitong armadong kalalakihan bago barilin sa ulo at tadtarin ng bala ng armalite sa iba’t ibang bahagi ng katawan. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY MACALAYA

BICOL POLICE CHIEF ROBERT DELFIN

CASTILLA

ED CASULLA

ISUZU FUEGO

KAMPO SIMEON OLA

NEW PEOPLE

REGIONAL SPECIAL ACTION GROUP

SI GARAN

SITIO MISALAY

SORSOGON PROVINCIAL COMMAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with