^

Probinsiya

Aircon bus hinoldap ng 7 katao

-
SILANG , Cavite — Isang pampasaherong aircon bus ang iniulat na hinoldap ng pitong armadong holdaper kabilang na ang dalawang babae sa kahabaan ng Barangay Lalaan 1 ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Natangayan ang mga pasahero na pawang mga studyante at empleado ng halagang aabot sa P.2 milyon na mga suot nilang mamahaling alahas, cellphones at cash money.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-9:30 ng gabi habang minamaneho ni Alex Patawe ang Crow aircon bus na may plakang DBM-988 sa kahabaan ng nasabing lugar.

Ilan sa mga pasahero ang nagsabi sa pulisya na namataan nila ang mga holdaper na sumakay sa Pasay City Bus Terminal patungong Batangas bago magdeklara ng holdap sa panulukan ng Patindig Araw sa Imus, Cavite.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya na matapos na limasin ng mga holdaper ang gamit at alahas ng mga biktimang pasahero ay mabilis na nagsitakas sa Barangay Lalaan 1, Silang, Cavite bago naglaho na parang bula sa kadiliman.

Ayon pa sa ulat ng pulisya na maraming beses na umanong may pangyayaring holdapan sa mga pampasaherong aircon bus sa naturang lalawigan subalit hindi madakip ang naturang grupo ng holdaper.

Sinabi naman ng mga pasahero ng naturang aircon bus na walang aksyon ginagawa ang kapulisan ng Cavite hinggil sa laganap na holdapan sa mga pampasaherong bus na bumabagtas sa kahabaan ng Aguinaldo highway. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

ALEX PATAWE

AYON

BARANGAY LALAAN

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

PASAY CITY BUS TERMINAL

PATINDIG ARAW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with