^

Probinsiya

Ex-mayor tinodas sa loob ng sasakyan

-
ZAMBOANGA CITY– Isa pang dating mayor sa bayan ng Malangas, sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay ang iniulat na binaril at napatay habang lulan ng isang pampublikong sasakyan kamakalawa sa Bonifacia, Misamis Occidental, ayon sa ulat ng pulisya.

Nakilala ang biktima na si Jessie Postero, 51.

Ayon kay Lt. Col. Fredesvindo Covarrubias, ng Military Civil Relation Group for Mindanao na ang biktima ay lulan ng isang pampasaherong sasakyan na nagbuhat sa Ozamis City patungong Pagadian ng ito ay likidahin.

Binanggit pa sa ulat na ang nag-iisang suspect ay katabi ng biktima sa loob ng sasakyan at pagsapit nga sa nabanggit na lugar ay biglang nagbunot ng baril at malapitang pinaputukan ang biktima.

Ayon sa ulat namatay noon din ang biktima, habang ang suspect naman ay parang walang nangyaring bumaba ng sasakyan at saka kaswal na naglakad matapos ang isinagawang krimen.

Hindi pa matiyak ang motibo sa naganap na pagpaslang. (Ulat ni Roel Pareño)

vuukle comment

AYON

BINANGGIT

BONIFACIA

FREDESVINDO COVARRUBIAS

JESSIE POSTERO

MILITARY CIVIL RELATION GROUP

MISAMIS OCCIDENTAL

OZAMIS CITY

ROEL PARE

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with