^

Probinsiya

Communication facilities pinalakas ng China sa Mischief Reef

-
Sinisiyasat pa lang ng pamahalaan kung may katotohanan ang ulat na diumano’y pinalalakas ng Tsina ang kanilang mga pasilidad sa komunikasyon sa Mischief Reef sa South China Sea.

Ayon kay National Security Adviser Roilo Golez, ang resulta ng beripikasyong ito ng pamahalaan ang siyang pagbabasehan ng aksiyong gagawin ng gobyerno ukol sa isyu.

Ayon kay Golez, tumatanggap ang kanyang opisina ng mga ulat mula sa iba’t ibang isla ng Kalayaan Islands, Scarborough Shoul at gayundin sa Mischief Reef.

Kung hindi aniya, tuloy-tuloy ang mga ulat hinggil sa iniulat na aktibidad kailangan pa ang puspusang beripikasyon at pagrerepaso bago magkaroon ng kaukulang aksiyon ang gobyerno.

Sinabi ni Golez na tuloy-tuloy ang surveillance sa naturang mga lugar kung ano na ang nangyayari kaya paminsan-minsan ay mayroong mga dumaraan doong eroplano ng Philippine Air Force.

Wala aniyang itinakdang panahon sa pagberipika ng impormasyong ito kaya sa panahong ito wala pang masasabi ang gobyerno kung anong hakbang ang gagawin ng bansa kaugnay ng pinakahuling aktibidad ng China sa pinag-aagawang mga pulo sa South China Sea. (Ulat nina Lilia Tolentino at Joy Cantos)

vuukle comment

AYON

GOLEZ

JOY CANTOS

KALAYAAN ISLANDS

LILIA TOLENTINO

MISCHIEF REEF

NATIONAL SECURITY ADVISER ROILO GOLEZ

PHILIPPINE AIR FORCE

SCARBOROUGH SHOUL

SOUTH CHINA SEA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with