^

Probinsiya

Full moon, magpapabilis sa pagsabog ng Mayon

-
Malamang na mapabilis ang inaasahang pagputok ng bulkang Mayon sa Bicol Region dulot na rin ng pagbilog ng buwan.

Ito ang sinabi ni July Sabit, volcanologist ng Phivolcs kaugnay ng patuloy na monitoring na ginagawa ng naturang tanggapan sa kondisyon ng bulkan.

Binigyang diin ni Sabit na may epektong dulot ang pagbilog ng buwan sa bulkan dulot ng gravitational pull ng mundo.

"Kapag kabilugan ang buwan mas malakas ang gravitational force ng earth o mundo at ang puwersang ito ay tumutulong para mapabilis ang pag-akyat ng magma papunta sa bunganga ng bulkan", ani Sabit.

Binanggit pa nito na kapag ang magma ang nagtuluy-tuloy na sa bunganga ng bulkan, ang kasunod na nito ay ang pagsabog.

Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang mga pagyanig na nararamdaman sa paligid ng Mayon at nananatiling nakataas ang alert level 3. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

BICOL REGION

BINANGGIT

BINIGYANG

CRUZ

JULY SABIT

KAPAG

MAYON

SABIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with