^

Probinsiya

Chief of police nilikida ng NPA rebels

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga pinaghihinalaang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang chief of police habang ito ay naglalakad sa bayan ng Nampicuan, Nueva Ecija, kamakalawa ng gabi.

Sa naantalang ulat na nakarating sa tanggapan ni Police Regional Office 3 (PRO3) Director Chief Supt. Roberto Calinisan, kinilala nito ang napatay na opisyal na si S/Supt. Romeo Pillonar, chief of police ng Nampicuan police station sa nabanggit na lalawigan.

Si Pillonar ay namatay noon din sa pinangyarihan sanhi ng tinamo nitong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan mula sa matataas na kalibre ng baril.

Ayon sa imbestigasyon, dakong ala-6 ng gabi habang naglalakad ang biktima sa nasabing lugar patungo sa kanyang presinto ng biglang sumulpot ang apat na armadong kalalakihan na hinihinalang mga miyembro ng rebeldeng NPA lulan ang mga ito ng isang kulay pulang sasakyan at isang motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima at pagkatapos mabilis na nagsitakas ang mga suspek. (Ulat ni Jeff Tombado)

vuukle comment

AYON

DIRECTOR CHIEF SUPT

JEFF TOMBADO

NAMPICUAN

NEW PEOPLE

NUEVA ECIJA

POLICE REGIONAL OFFICE

ROBERTO CALINISAN

ROMEO PILLONAR

SI PILLONAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with