Legarda at Leviste, sumagot sa plunder complaint
MANILA, Philippines — Naghain na kahapon ng kanilang counter-affidavit sina Senator Loren Legarda at Batangas Representative Leandro Leviste kaugnay ng plunder complaint na inihain laban sa kanila kaugnay sa umano’y iregularidad na hindi natapos na mga solar energy project na nagkakahalaga ng P10.44 bilyong piso.
Ang mag-ina ay iniimbestigahan kaugnay ng umano’y hindi natapos na mga solar energy project na nagkakahalaga ng 10.44 bilyong piso.
Ayon kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla, huli man na naisumite ang counter-affidavit ng dalawa, pag-aaralan pa rin ito ng Ombudsman bilang bahagi ng kanilang karapatan sa due process.
Aminado si Remulla na nananatiling hamon sa mga imbestigador ang kawalan sa bansa nina Legarda at Leviste dahil hindi sila agad mahihingan ng paglilinaw kaugnay ng kaso.
Base sa impormasyon ng Ombudsman, nasa Paris pa rin ang mag-ina at nagtungo rin umano sa Switzerland.
May 60 araw ang prosecution panel upang tapusin ang preliminary investigation sa reklamo.
Mariing itinanggi ni Legarda ang mga alegasyon, iginiit na “false and baseless” ang mga paratang at walang pondo ng gobyerno ang ginamit sa mga naturang proyekto.
- Latest
















