Gorebox kinalos na sa Pinas
Hindi na pwedeng i-download
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Palasyo ng Malacañang na hindi na maaaring i-download ang larong GoreBox sa Google Play Store at Steam.
Ito ang sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro at ito ay dahil sa masusing pakikipag-ugnayan ng gobyerno ay hindi na maaring i-download o laruin ang Gorebox sa Pilipinas.
Kahit ang mga users na nakapag-download ito bago maging epektibo ang restriction ay hindi na rin maaring ma-access ang laro.
Una na itong inanunsyo ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) bilang pagsunod sa pansamantalang pagbabawal na ipinatupad ng pamahalaan noong nakaraang linggo.
Malugod namang tinanggap ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Henry Aguda ang naging hakbang ng Google at Steam, na aniya ay makatutulong sa pagsusulong ng mas ligtas na online environment para sa mga bata.
Nagpatupad ng temporary ban ang pamahalaan noong nakaraang linggo matapos lumabas sa imbestigasyon ng pulisya sa naganap na pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na isa sa dalawang menor-de-edad na shooter ay isang masugid na manlalaro ng Gorebox.
- Latest
















