^

Police Metro

La Union District 2 solon, kinasuhan sa Ombudsman

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsampa ng mga kaso ang isang grupo ng mga kabataan sa Office of the Ombudsman laban kay La Union District 2 Congressman Dante Sotelo Garcia kaugnay nang maanomalyang kontrata na naipatupad sa kanyang distrito gamit ang posisyon.

Ayon sa Progressive Youth of La Union na sinampahan nila ng kaso si Garcia ng paglabag sa RA 3019 o Anti Corrupt and Practices Act at RA 6713 Code of Conduct for Public officials.

Anila, dapat nang managot sa batas ang kongresista dahilan sa kontrol nito ang halos lahat ng mga proyekto ng gobyerno.

Nabatid na kinokontrata umano ni Garcia ang mga proyekto sa lalawigan gamit ang dummy contractor at komokolekta umano ng malaking halaga sa pondo ng gobyerno.

Nakasaad pa sa reklamo ng grupo na isinusuplay umano ni Garcia ang lahat ng aggregates na kailangan sa government projects gamit ang impluwensiya na nanga­ngahulugan ng pag-abuso sa kapangyarihan mula nang maging kongresista sa lalawigan.

Nais ng naturang grupo na agad magpalabas ang Ombudsman ng preventive suspension laban kay Garcia at magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa kinasasangkutang katiwalian ng mambabatas at pagpanagutin ito sa kasong kri­minal at administratibo.

DANTE SOTELO GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with