P278.8 milyong drug shipment nasabat sa Cebu City
MANILA, Philippines — Umiskor ang mga awtoridad kasunod ng pagkakasamsam sa P278.8 milyong halaga ng droga sa nasabat na shipment sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Mabolo, Cebu City nitong Linggo ng umaga.
Sa ulat, naharang ng pinagsanib na operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 7 at PNP Drug Enforcement Agency Regional Office -Special Operating Unit, Naval Forces Central at Cebu City Police Office Station 4.
Bandang alas-7:18 ng umaga nang isagawa ng mga awtoridad ang operasyon laban sa suspek sa nasabing lugar matapos ang isang buwang case buildup, nang magbigay ng impormasyon ang isang tipster sa mga awtoridad sa shipment ng bultong illegal na droga.
Arestado sa operasyon ang suspect na si alyas Erwin, 30 anyos, motorcycle taxi driver ng Brgy. Basak Pardo, Cebu City.
Ang suspect ay kayang mag-dispose umano ng tinatayang 5-10 kilo ng shabu kada linggo kung saan malawak ang network ng distribusyon nito sa buong lalawigan ng Cebu.
Nakumpiska mula sa suspek ang 41 vacuum-sealed plastic packs na naglalawan ng shabu na tumitimbang ng 41,000 gramo, marked money, cellular phone at motor vehicle ng suspect.
Ang ang suspect na nakakulong na sa detention facility ng PDEA 7 sa Brgy. Lahug, Cebu City ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest



















