Alokasyon ng tubig sa Metro Manila, binawasan ng NWRB

Bilang paghahanda sa El Niño…
MANILA, Philippines — Binawasan na ng National Water Resources Board (NWRB) ang alokasyon ng tubig mula sa Angat Dam sa Bulacan para sa Metro Manila simula ngayong Oktubre 2026.
Ito ang sinabi ni NWRB Chief Sevilio David Jr., bilang bahagi ng paghahanda ng pamahalaan sa inaasahang epekto ng Super El Niño na maaaring makaapekto sa Pilipinas hanggang kalagitnaan ng 2027.
Mula sa dating 50 hanggang 52 cubic meters per second ay ibinaba ang alokasyon ng suplay ng tubig sa Metro Manila sa 44 hanggang 46 cubic meters per second nitong Oktubre.
Binawasan din ang alokasyon sa irigasyon sa 20 hanggang 25 cubic meters per second mula sa regular 35 cubic meters per second dahil isinasaalang-alang din ang posibilidad ng pag-ulan na maaaring makatulong upang matugunan ang pangangailangan ng tubig ng sektor ng agrikultura, laluna para sa irigasyon ng mga sakahan.
Aniya, ang layunin ng hakbang na tipirin ang tubig sa Angat Dam na pangunahing pinagkukunan ng 90 percent ng tubig para sa Metro Manila.
Inirekomenda ng NWRB sa mga water concessionaire na gumamit ng ibang pasilidad gaya ng mga water treatment plant sa Laguna Lake, Cavite, at Para?que para hindi umasa lamang sa Angat Dam.
Bagama’t bumaba ang alokasyon, tiniyak ng mga opisyal na may sapat pa ring suplay at pinapayuhan ang publiko na magtipid.
Sa kasalukuyan ay nasa normal pa ang water level sa Angat Dam na nasa 209 meters.
- Latest


















