Bus biglang nagliyab sa EDSA

MANILA, Philippines — Biglang nagliyab ang isang pampasaherong bus sa westbound P. Tuazon Blvd., bago sumapit sa EDSA intersection sa Quezon City, nitong Sabado ng gabi.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bandang alas-6:45 ng gabi ay nagliyab ang German Espiritu Liner bus na may biyaheng Cubao-Bulacan.
Agad rumesponde ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at MMDA, at naapula ang apoy bandang alas-7:07 ng gabi.
Ayon sa driver, posibleng faulty wiring ng headlight ang sanhi ng sunog na sa kabutihang-palad ang lahat ng pasahero at ang driver ay nakalabas nang ligtas bago kumalat ang apoy.
- Latest

















