^

Police Metro

Rider inutas ng sinigawan at minurang pedestrian

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mistulang nakahanap na katapat ang isang motorcycle rider nang ata­duhin ng saksak ng isang pedestrian na kanyang sinigawan at minura, naganap kamakalawa sa Brgy. Maligaya, Buenavista, Quezon.

Ang biktima na nagtamo ng isang malalim na saksak sa kaliwang bahagi ng tiyan na kanyang ikinasawi ay kinilalang si Domingo San Pedro, 50, magsasaka ng Barangay San Roque habang nakapiit na sa municipal jail ang sumukong suspek na si alyas Jerry, 58, residente ng Barangay Maligaya.

Ayon sa pulisya, alas-3:30 ng hapon ay minamaneho ng biktima ang isang motorsiklo at binabagtas ang barangay road.

Sinigawan at minura umano nito ang suspek na naglalakad lamang sa gilid ng kalye kung kaya’t sa inis ng huli ay hinabol nito ang biktima at nang abutan ay inundayan ng saksak sa tiyan ng hawak na gulok.

Makaraan ang insidente ay sumuko sa barangay ang suspek na nahaharap sa homicide.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with