^

Police Metro

Gulo sumiklab sa Manila City jail: 8 sugatan

Ludy Bermudo - Pang-masa
Gulo sumiklab sa Manila City jail: 8 sugatan
Kinumpirma ni MCJ Spokesman JO2 Elmar Jacobe na pasado ala-1:00 ng hapon nang sumiklab ang riot sa pagitan ng Bahala na Gang at Sigue-sigue Commando Gang.
The STAR / Edd Gumban

Mga bato nagliparan

MANILA, Philippines — Walong persons deprived of liberty (PDLs) ang nasugatan matapos na sumiklab ang rambulan ng dalawang magkalabang grupo sa gitna ng init ng panahon, sa loob ng Manila City Jail (MCJ), Sabado ng hapon.

Kinumpirma ni MCJ Spokesman JO2 Elmar Jacobe na pasado ala-1:00 ng hapon nang sumiklab ang riot sa pagitan ng Bahala na Gang at Sigue-sigue Commando Gang.

Anim ang miyembro ng Sigue-sigue Commando habang dalawa sa Bahala Na Gang na ang tatlo ay ginamot sa loob ng klinika ng MCJ habang ang lima ay sa ospital sa labas.

Dahil dito, agad na sinuspinde ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang dalaw sa mga inmates.

Dahil dito, pinag-aaralan na ng Manila City Jail na ikasa ang Oplan Greyhound sa male dormitory, kung saan, isa-isang iniinspeksyon ang mga gamit at selda ng mga inmate.

Idinagdag naman ni JO2 Jacobe, na karamihan sa mga nasaktan sa anim na miyembro ng Commando ay tinamaan ng bato sa ulo at kamay kaya isinugod sa ospital.

Paliwanag ni Jacobe, hindi riot ang nangyari, at maaaring nag-ugat ang gulo sa hindi pagkakaunawaan sa larong basketball kaugnay ng idi­naraos na sportsfest, lalo na ang mainit na panahon na posibleng nagpainit ng ulo na nauwi sa pikunan.

vuukle comment

MCJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with