^

Police Metro

Paaralan sa Cavite nabulabog ng bomb threat mula sa ‘Hamas member’

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nabulabog ng bomb threat ang Samuel Christian College sa General Trias City, Cavite na nagmula umano sa isang nagpakilala na miyembro ng Palestinian militant group na Hamas.

Ayon sa General Trias City Police Station, personal na dumulog sa pulisya ang school administrator na si Jerickson Carandang Bautista, dahil sa banta ng pambobomba.

Sinabi umano ni Bautista na nakatanggap sila ng email mula sa isang “Adam Cohem” na nagpakilalang miyembro ng Hamas.

Sa naturang email, sinabi na inilagay umano ang mga bomba sa lahat ng distrito at sasabog kahapon.

Upang masiguro ang kaligtasan ng mga estud­yante at guro ay sinuspinde na ang klase, Miyerkules pa lamang.

Nakipag-ugnayan ang mga otoridad sa Explosive Ordinance Disposal and Canine Group ng Cavite Police Provincial Office at Bureau of Fire Protection at bumuo ng rescue team.

Habang ginagawa ang balitang ito ay wala pang tugon ang Cavite police sa update sa insidente.

vuukle comment

BOMB THREAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with