^

Police Metro

SRP sa bigas, planong ipatupad ng DA

Angie dela Cruz - Pang-masa
SRP sa bigas, planong ipatupad ng DA
Ayon kay Agriculture Asst. Secretary at spokesman Arnel de Mesa, upang maipatupad ang nasabing hakbang ay kailangan muna nilang kumonsulta sa lahat ng mga stakeholders mula sa consumer groups, producer groups at sa traders at millers upang maitakda ang SRP.
Michael Varcas / File

MANILA, Philippines — Upang matiyak na makakakain ang lahat ng sambayanang Pilipino ng bigas na may abot ka­yang presyo, plano na ng Department of Agriculture (DA) na magpatupad ng suggested retail price (SRP) sa bigas. 

Ayon kay Agriculture Asst. Secretary at spokesman Arnel de Mesa, upang maipatupad ang nasabing hakbang ay kailangan muna nilang kumonsulta sa lahat ng mga stakeholders mula sa consumer groups, producer groups at sa traders at millers upang maitakda ang SRP.

Ang pahayag ay ginawa ng DA nang ianunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na may pagtaas sa presyo ng bigas ng 22.9 percent noong Disyembre 2023, ang pinakamabilis na pagsirit ng presyo nito sa nakalipas na 14 na taon.

“Kailangan nating tignan ‘yung composition sa producers group, paano na produce ‘yung palay hanggang sa maging bigas. And then, on the traders side, ano mga gastusin nila sa warehousing, sa milling, sa drying. Sa retailers naman, magkano ‘yung kanilang mga gastusin din po, at maikumpara, at sa ganoong paraan, makikita po ang magiging gains ng SRP,” pahayag ni De Mesa.

Noong Disyembre 2023, ang presyo ng well-milled rice kada kilo ay pumalo sa P53.82, mas mataas ito sa P51.99 per kilo noong Nobyembre 2023 o halos mataas ng P10 kung ikukumpara sa P43.98 kada kilo ng bigas noong Disyembres 2022.

vuukle comment

BIGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with