^

Police Metro

4 sakay ng kotse todas sa truck

Doris Franche-Borja, Jojo Perez - Pang-masa
4 sakay ng kotse todas sa truck
Sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang banggaan, alas-8:00 ng gabi sa bahagi ng Iram, Jose Abad Santos Avenue ng nasabing barangay ay nakasakay ang apat na  biktima  sa isang Toyota Camry na may plakang XPR 424, na nanggaling sa bahay ng fiancée ng isa sa mga lalaking nasawi upang pagplanuhan ang kanilang kasal sa susunod na buwan.
STAR / File

Galing sa pamamanhikan

MANILA, Philippines — I dineklarang dead-on-arrival sa ospital ang apat na katao na sakay ng isang kotse nang sumalpok sa kasalubong na 10-wheeler dump truck sa pakurbadang bahagi ng kalsada sa Barangay New Cabalan, Olongapo City, kamakalawa ng gabi.

Halos nayupi na parang lata ang kotse na naging dahilan ng matinding pinsala sa ulo at katawan ng mga nasawi na kinilalang sina Renz Tiu; Veronica Ng; Romnick Tiu; at Carlo Esguerra, kapwa residente ng Mariveles, Bataan.

Habang ang driver ng truck ay nasa kostudiya na ng pulisya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago nangyari ang banggaan, alas-8:00 ng gabi sa bahagi ng Iram, Jose Abad Santos Avenue ng nasabing barangay ay nakasakay ang apat na  biktima  sa isang Toyota Camry na may plakang XPR 424, na nanggaling sa bahay ng fiancée ng isa sa mga lalaking nasawi upang pagplanuhan ang kanilang kasal sa susunod na buwan.

Pauwi na ng kanilang bahay ang mga biktima at  pagsapit sa pakurbadang kalsada sa naturang lugar ay paparating naman ang dump truck na may plakang CAK 1460 na minamaneho ng isang Domingo Faelanca Firmo, 56-anyos, residente ng Marilao, Bulacan at nasalpok ito.

Sa tindi ng pagkakasalpok ay pumasok sa ilalim ng truck ang kotse ng mga biktima na kung saan ay tumagal ng ilang oras bago nakuha ng emergency responders ang mga ito mula sa nawasak na kotse.

Kinailangan pang gu­­mamit ng dalawang backhoe upang maiangat ang 10 wheeler truck at makuha ang mga biktima sa wasak na kotse.

Bagamat naisugod pa sa James  Gordon Memorial Hospital ang mga biktima ay idineklara na itong dead-on-arrival ng mga  doktor.

Nasa kustodiya ng pulisya ang hindi nasaktan na driver ng dump truck na kinasuhan ng  reckless imprudence resulting to multiple homicide.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with