^

Police Metro

Lider ng drug syndicate, dedo sa engkuwentro

Tony Sandoval - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang sinasabing lider ng isang drug group ang nasawi nang ito ay makipagbarilan sa mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit (CDEU),kamakalawa ng tanghali sa Barangay Ibabang Iyam,Lucena City.

Kinilala ng pulisya ang nasawing suspek na si Armando Armiendo, may sapat na taong gulang, lider ng dating Armiendo drug group at residente ng Landing Road, Barangay Ibabang Iyam.

Ayon sa ulat ni Lucena City police chief, P/Lt.Col.Ruben Ballera Jr.,alas-11:20 ng tanghali nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng CDEU laban sa suspek.

Sa gitna ng transaksyon ay nakahalata ang suspek na pulis ang kanyang ka-deal kaya’t mabilis na tumakas habang nakikipagpalitan ng putok sa mga otoridad hanggang sa masapol at masawi.

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang ilang sachet ng hinihinalang shabu, isang piraso ng P1,000 na marked money, 15 piraso ng P1,000 boodle money at ang Smith and Wesson caliber 357 na may kargang apat na live ammunition at dalawang fire cartridge.

vuukle comment

DRUG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with