^

Police Metro

Mga magsasaka apektado sa pagsuspinde ng Balog-balog dam project

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Labis umanong nababahala ang mga magsasaka sa Central Luzon sa pagsuspinde ng P5.8 bilyon Balog-Balog multipurpose dam project dahil isa umano itong malaking banta sa suplay ng tubig para sa iri­gasyon ng malawak na plantasyon ng palay.

Nabatid na lumiham na ang ITP construction Inc. at Guangxi Hydroelectric Construction Bureau Co. Ltd., isang consortium ng mga construction companies, kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., upang magpahayag ng pagtutol sa aksiyon ng kasalukuyang pamunuan ng National Irrigation Administration (NIA) para i-terminate ang multi-bilyong proyekto na magbebenepisyo sana sa daan-daang magsasaka sa Central Luzon.

Ayon kay Isidro Pajarillaga Jr., authorized managing office ng ITP Construction–Guangxi Hydroelectric Construction Consortium, tinerminate ng NIA ang project contract sa kabila nang pagkabigo ng ahensiya na tumalima sa kanilang obligasyon sa pamamagitan nang pagresolba sa right-of-way at land possessory issues na nagresulta sa pagkaantala ng pagtatapos ng proyekto.

Sa dalawang pahinang liham na isinumite sa Office of the President at may petsang Agosto 14, 2023, sinabi nila na sa kabila ng modest accomplishments ng dam project, naantala ang konstruksiyon nito matapos­ mabigo ang NIA na gawin ang kanilang obligasyon para makumpleto ang konstruksiyon ng water diversion tunnel.

Ipinaliwanag pa ni Pajarillaga na obligado ang NIA na ideliber ang critical path para sa construction project dahil apektado nito ang buong proyekto. Anila, sa kasamaang-palad, sinabi ng NIA na ang mga cons­truction firm ay nagkaroon ng ‘negative slippage,’ gayung ang NIA anila ang nabigo umanong tumupad sa kanilang obligasyon, tulad ng nakasaad sa kontrata.

Nauna rito, binigyang-diin ng Pangulo, na siya ring kalihim ng Department of Agriculture (DA), na dapat na makipag-coordinate ang NIA at makipagtulungan sa mga pribadong construction firms upang magamit ang dam projects, partikular na ngayong karamihan ng mga taniman sa bansa ay apek­tado ng climate change, gaya ng El Niño.

vuukle comment

DAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with