^

Police Metro

Anak na tutol sa bagong asawa ng nanay, todas sa hataw

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay habang ginagamot sa ospital ang 46-anyos na lalaki nang hatawin ng tubo ng kanyang 73-anyos na ina dahil sa ginawang pagbaril sa kanyang amain naganap sa Bohol, noong nakaraang linggo.

Kinilala ang nasawi na si Emmanuel Anino, habang himas rehas naman ang ina nitong si Leonita Edusma, kapwa residente sa Barangay Poblacion, Carmen, Bohol.

Nilalapatan naman sa ospital ang bagong asawa ni Leonita na si Felix Edusma, 61, na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa tiyan at paa.

Batay sa naantalang  report ng Carmen Municipal Police Station, umaga ng Lunes ng Hulyo 31 , nag-aalmusal ang bagong kasal na sina Leonita at Felix nang dumating si Anino na armado ng baril at binaril ang bagong asawa ng kanyang ina.

Dahil dito, mabilis na kumuha ng tubo si Leonita at pinagpapalo sa ulo at iba’t ibang parte ng katawan ang anak hanggang sa humandusay.

Isinugod naman sa ospital ang mga sugatan subalit idineklara na rin patay ng doktor si Anino.

Desidido naman ang misis ni Anino at manugang ni Leonita na magsampa ng kaso laban sa ina ng kanyang asawa.

Sinabi ng misis ni Anino na kontra ito sa pag-aasawa ng kanyang ina kay Felix na ikinasal noong Hulyo 20, 2023.

vuukle comment

NAMATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with