^

Police Metro

Manhunt sa 5 ‘kotongerong’ pulis-Maynila, ipinag-utos

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Manhunt sa 5 �kotongerong� pulis-Maynila, ipinag-utos
Kinilala ang mga pulis na sina Staff Sergeants Ryan Tagle Paculan at Jan Erwin Santiago Isaac;  Cpl. Jonmark Gonzales Dabucol; at  sina Pat. Jere­miah Sesma Pascual at Jhon Lester Reyes Pagar na pawang nakatalaga sa MPD District Police Intelligence Operations Unit (DPIOU).
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang malawakang manhunt operation laban sa limang pulis-Maynila na sangkot sa pa­ngingikil sa isang computer shop owner sa Sampaloc, Maynila ang ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda, Jr.

Kinilala ang mga pulis na sina Staff Sergeants Ryan Tagle Paculan at Jan Erwin Santiago Isaac;  Cpl. Jonmark Gonzales Dabucol; at  sina Pat. Jere­miah Sesma Pascual at Jhon Lester Reyes Pagar na pawang nakatalaga sa MPD District Police Intelligence Operations Unit (DPIOU).

Isang babae rin na nag­ngangalang Menay at sinasabing kasabwat ng limang pulis ang pinaghahanap.

Batay sa record, pinasok ng mga pulis ang computer shop ni Herminigildo Mateo, 73, at kinuha ang kita na P40,000.

Binigyan diin ni Acorda, inutos na niya ang pagtugis sa limang pulis upang papaliwanagin sa reklamo.

Aniya, hindi kinukunsinti ng PNP ang gawaing ito ng mga pulis at dapat lamang na masampahan ng kaso at mapanagot.

vuukle comment

COPS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with