^

Police Metro

Tsino na lider ng pyramid scam, nadakip

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Chinese national na lider umano ng isang pyramid investment scam ang naaresto sa isang operasyon sa Malate, Maynila kamakailan.

Nakaditine na sa BI-Warden Facility ang 44-taong gulang na si Fu Qihao, makaraang maaresto ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit noong Setyembre 23.

Isang arrest warrant ang inilabas para sa kaniyang pag-aresto ng mga tauhan ng ‘public security bureau’ ng Shanghai, China makaraang makapambiktima ng kaniyang mga kababayan sa kaniyang pyramid scam.

Nadakip din ng BI ang Norwegian na si Karstein Kvernvik, alyas Krokaa Karstein Gunnar, sa kaniyang bahay sa Sameerah Subd., Angeles City, Pampanga, noong Setyembre 24.

Nabatid na isang ‘high profile fugitive’ si Kvernvik dahil sa patung-patong na kasong seks­wal at sangkot umano sa panggagahasa sa ilang dalagita na mas mababa pa sa 14-taong gulang sa Norway.

vuukle comment

PYRAMID SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with