^

Police Metro

3 patay sa P27.2 milyong drug bust ops

Mer Layson - Pang-masa
3 patay sa P27.2 milyong drug bust ops
Sinisiyasat ng mga police investigators ang sasakyan ng tatlong drug suspek na napatay sa isang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Barangay Rosario, Pasig City. Umaabot sa P27.2 milyon shabu ang nakumpiska.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki na umano’y mga miyembro ng isang drug trafficking syndicate ang nasawi nang sila umano ay manlaban sa isang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Brgy. Rosario, Pasig City.

Nakilala lamang ang mga napatay na suspek na sina alyas ‘Paulo’, ‘Richard,’ at ‘Ricsan,’ na sinasabing pawang mi­yembro ng notoryosong Kenneth Maclan Drug Syndicate na nag-o-ope­rate sa National Capital Region (NCR), Region 3 at Region 4A.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang shootout, ala-1:00 ng madaling araw sa Tranix ROTC Road, malapit sa URC Warehouse ng nasabing barangay.

Bago ito ay nakatanggap ng tip ang mga otoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t kaagad na nagkasa ng buy-bust operation ang puwersa ng iba’t ibang ahensiya ng pulisya.

Sa kasagsagan ng ope­rasyon ay nakahalata umano ang mga suspek na mga pulis ang kanilang ka-transaksiyon kaya’t nanlaban ang mga ito sanhi upang mauwi sa engkwentro ang operasyon at nagresulta sa kanilang kamatayan.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang humi­git-kumulang sa apat na kilo ng shabu, na tinata­yang may street value na nasa P27.2 milyon.

ILLEGAL DRUG BUST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with