^

Police Metro

Military hospitals gamitin sa COVID-19

Joy Cantos - Pang-masa
Military hospitals gamitin sa COVID-19
Ito ang suhestiyon ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman dahil sa patuloy na lumolobo ang bilang ng mga kumpirmadong COVID 19. Aniya, dapat nang buksan ng AFP at DND ang mga hospitals nito para gamutin ang mga pasyenteng nagtataglay ng nasabing virus.
STAR/Boy Santos, file

MANILA, Philippines — Dahil sa kakulangan ng mga ospital sanhi ng pagtaas ng bilang ng mga tinamaan ng nakakamatay na virus, dapat nang gamitin ng pamahalaan ang mga military hospital sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines at ang Veterans Memorial Hospital sa ilalim ng Department of National Defense.

Ito ang suhestiyon ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman dahil sa patuloy na lumolobo ang bilang ng mga kumpirmadong COVID 19. Aniya, dapat nang buksan ng AFP at DND ang mga hospitals nito para gamutin ang mga pasyenteng nagtataglay ng nasabing virus.

Tinukoy ni Lagman na kabilang sa mga pangunahing military hospitals na may 2,451 bed capa­city ay ang AFP Medical Center o dating V. Luna Medical Center na nasa 1,200  ang bed capacity; Army General Hospital na nasa 200 ang bed capacity; Air Force General Hospital nasa 100 ang bed capacity habang ang Navy General Hospital at Cavite Naval Hospital ay nasa 185 at ang Veterans Memorial Medical Center ay nasa 766 naman ang bed capacity bukod pa sa mga nasa rehiyon na may bed capacity na 566.

Sinabi ni Lagman na maliban sa Veterans Memorial Medical Center at V. Luna Medical Center na may lima at isang COVID-19 positive patients na naitala nitong April 2, 2020. Ang iba pang military hospital ay walang rekord na may na-confine na nagtataglay ng nasabing karamdaman.

vuukle comment

COVID-19

MILITARY HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with