^

Police Metro

12-anyos ni-rape/slay ng katiwala

Gary Bernardo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang 12-anyos na babae na matapos gahasain ay ginilitan pa sa leeg ng katiwala ng kanyang magulang sa negosyo naganap kamakalawa sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Lourdes North West, Angeles City, Pampanga.

Ang biktima na natagpuang naliligo sa sa­riling dugo ng kanyang ina sa loob ng kanilang bahay ay nakilalang si Elmira Herman, Grade 7.

Agad naaresto ang suspek na si Jordan Banalnal, 32, residente ng Purok 4, Brgy. Amsic, at katiwala sa negosyo ng magulang ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon, alas-2:00 ng madaling araw nang umalis ang magulang ng biktima upang mag­hanap-buhay sa paleng­ke.

Ilang oras ang nakalipas sa pag-uwi ng magulang ay dito nila  nadiskubreng patay na ang anak na may gilit sa leeg.

Ilang testigo ang nakakita kay Banalnal na pumasok sa bahay nang umalis ang magulang ng biktima na kung saan dito naganap ang krimen.

Nang arestuhin si Banalnal ay agad itong umamin na ginahasa niya ang biktima bago ito ginilitan sa leeg. Kinasuhan si Banalnal ng murder at rape.

vuukle comment

RAPE SLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with