Co-accused ni Romualdez sumuko; binigyan ng conditional immunity
MANILA, Philippines — Sumuko na sa National Bureau of Investigation (NBI) si Felicito Cristobal Guevarra, ang presidente ng Samchan Foreign Exchange Corporation at isa sa mga kapwa akusado ni dating House Speaker Martin Romualdez sa P7.44-bilyong kasong plunder.
Ito ang inanunsyo nitong Biyernes ng Office of the Ombudsman at binigyan ng conditional immunity sa ilalim ng Section 17 ng Republic Act No. 6770 (The Ombudsman Act of 1989).
Ang pagsuko ni Guevarra noong Huwebes, nang matapos kumilos ang prosekusyon upang ipag-utos ang pagkansela ng kanyang pasaporte.
Ayon sa tanggapan, mahalaga ang kanyang personal na testimonya at mga hawak na dokumento upang masundan ang daloy ng pondo at mailabas ang katotohanan sa kaso.
Nakasalalay ang immunity na ito sa kanyang buo at makatotohanang pagtestigo sa korte.
Ibinalik na rin ni Guevarra at ng Samchan Foreign Exchange Corporation sa Bureau of the Treasury ang lahat ng kinita mula sa mga kuwestiyonableng transaksyon na iniuugnay sa kaso.
Nahaharap si Guevarra sa P7.44-bilyong kasong plunder kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control projects sina Romualdez—na kasalukuyang nakapiit sa Quezon City Jail ay naghain na ng not guilty plea, kasama rin sina dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, Joselyn Serenio na umano ay nakalabas na ng bansa bago pa ang Hold Departure Order.
- Latest















