^

Police Metro

11-anyos pinatay ng 3 adik

Raymund Catindig - Pang-masa
11-anyos pinatay ng 3 adik
Agad nadakip ang dalawang suspek na sina Joverelyn San Pedro, 32 (lalaki); at Francisco Terado 30; habang pinagha­hanap ang ikatlong suspek na si Rafael Gosila, 29.
STAR/FIle

Pumalag sa rape

MANILA, Philippines — Isang 11-anyos na batang babae ang pinatay ng tatlong lalaking adik na nagalit nang manlaban ito sa ginagawa nilang panghahalay sa isang bakanteng bahay sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga, kahapon.

Agad nadakip ang dalawang suspek na sina Joverelyn San Pedro, 32 (lalaki); at Francisco Terado 30; habang pinagha­hanap ang ikatlong suspek na si Rafael Gosila,  29.

Ang tatlo ay positibong kinilala ng isang saksi na nakitang lumabas mula sa isang abandonadong bahay kung saan natagpuan ang bangkay ng biktimang itinago sa pangalang Margie noong gabi ng  Miyerkules.

Lumalabas sa im­bestigasyon na pauwi sa kanilang bahay si Margie mula sa eskwelahan nang ito ay kaladkarin ng tatlong suspek na noon ay bangag sa droga at dinala sa isang abandonadong bahay at iginapos.

Nagpupumiglas at nagsisigaw ang biktima ng saklolo na nakatawag pansin sa mga kapitbahay kaya’t sa inis ng tatlong suspek ay sinakal nila ito hanggang sa mamamatay bago iniwan.

Sa pagsisiyasat ng medico legal, nabigong maisakatuparan ng tatlong suspek ang pagyurak sa dangal ng bata.

Nabatid sa pulisya na ang tatlong suspek ay notoryus sa kanilang lugar sa Sitio Sto. Niño na kinatatakutan at malimit naghahanap ng sex kapag bangag.

Nabatid na si Gosila na umano’y nagplano sa pagdukot sa bata ay nahaharap rin sa mga kasong pagtutulak at isa pang panggagahasa na nangyari noong 2014.

vuukle comment

ADIK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with