^

Police Metro

Pulis inaresto sa sabungan

Joy Cantos - Agence France-Presse

MANILA, Philippines — Isang pulis ang dinakip ng mga operatiba ng PNP-Integrity Monitoring Enforcement Group (PNP-IMEG) matapos maaktuhang  pumupusta sa isang cockpit arena sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela kamalawa ng gabi. Ang nasakoteng pulis ay kinilalang si Police Senior Master Sergeant Kennethb Galope, 39, residente ng Brgy. Quibal, Delfin Albano ng lalawigan.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 2 Director Police  Brig. Gen. Angelito Casimiro nasakote ang pulis na aktong tumataya sa sabungan sa Jaycee Clay Cockpit arena sa Brgy. Tagaran, Cauayan City ng naturang probinsya kamakalawa ng gabi.

Ang PNP-IMEG ay ang anti-scalawag unit ng PNP na binuo upang tutukan ang internal cleansing ng pu­lisya kabilang na ang mga pulis na nasasangkot sa illegal gambling.

Muling binalaan ni Casimiro ang kapulisan sa Region 2 na iwasan ang anumang uri ng illegal gambling at iba pang illegal na aktibidades na taliwas sa mandato ng PNP.

vuukle comment

ANGELITO CASIMIRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with