^

Police Metro

Dahil sa matinding selos… Misis kinatay, mister nanlaban patay

Joy Cantos, Cezar Ramirez - Pang-masa
Dahil sa matinding selos� Misis kinatay, mister nanlaban patay
Tadtad ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Mari­vic Panaman, 42-anyos; habang napatay naman ng mga pulis ang magsasakang mister na si Rosendo Panaman Sr., 47, matapos manlaban nang siya’y aarestuhin na ng mga otoridad.
File

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaang ma­tinding selos ang dahilan upang mapatay ng isang mister ang kanyang misis matapos niya itong ataduhin ng taga sa loob mismo ng kanilang tahanan habang napatay din ang suspek ng mga otoridad matapos umanong manlaban naganap sa Brgy. San Gabriel II, Bayambang, Panga­sinan nitong Biyernes ng hapon.

Tadtad ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Mari­vic Panaman, 42-anyos; habang napatay naman ng mga pulis ang magsasakang mister na si Rosendo Panaman Sr., 47, matapos manlaban nang siya’y aarestuhin na ng mga otoridad.

Sa ulat ng Pangasi­nan Police, naganap ang krimen dakong alas-3:20 ng hapon, sa naturang lugar.

Sa salaysay ng 15-an­yos na anak ng mag-asawa na itinago sa panga­lang “Sendo”, kasaluku­yang nagpapa­kain ng ka­nilang alagang aso ang kanyang ina nang tawagin ito ng kanyang ama sa loob ng bahay at saka nag-lock ng pinto.

Ilang saglit pa ay dito na nakarinig ang binatilyo ng malalakas na kalabugan kung saan pagsilip niya sa dingding ay dito na niya nasaksihan ang duguang ina na humihingi ng saklolo habang pinagtataga ng kanyang ama gamit ang isang bagong hasang itak.

Ayon sa binatilyo, maging siya ay tinangka ring balingan ng taga ng ama pero nagawa niyang makatakbo nang mabilis at makahingi ng tulong sa kanilang barangay hall.

Agad na rumesponde ang mga otoridad ngunit sa halip na sumuko ay sinugod ng taga ng suspek ang mga pulis bunsod upang mabaril ito at mapatay.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with