^

Police Metro

AWOL na parak timbog sa shabu

Danilo Garcia - Pang-masa
AWOL na parak timbog sa shabu
Kinompronta ni NCRPO Chief P/MGen. Guillermo Eleazar ang AWOL na si Patrolman Victor Bustamante Jr., na naaresto sa isang drug buy-bust opera-tion sa bisinidad ng New Bilibid Prison (NBP) at nasamsaman ng 5 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P68,000.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nadakip ng mga otoridad ang isang pulis na AWOL (Absent Without Official Leave) na luminya na sa pagtutulak ng iligal na droga sa bisinidad ng New Bilibid Pri­sons (NBP) sa Muntinlupa City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nadakip na si Victor Bustamante Jr., dating Patrolman ng NCRPO, 37, may-asawa at nakatira sa Brgy. Poblacion, Camp Sampaguita, National Bilibid Prison (NBP) Reservation, Muntinlupa City.

Sa ulat ng pulisya, alas-2:45 ng hapon nagawang makabili ang isang undercover agent ng pulisya ng limang gramo ng shabu na nakalagay sa dalawang plastic sachet na nagkakahalaga ng P68,000 sa may Barangay Poblacion sa tabi lamang ng Minimum Security Compound ng NBP. 

Hindi na nakapalag ang suspek nang sumulpot ang mga otoridad at arestuhin ito.

Nakumpiska rin sa suspek ang dalawang magazine para sa 9mm na baril, isang PNP-ID, isang cellular phone na gamit niya sa pakikipagtransaksyon at isang sling bag.

Si Bustamante ay naging pulis na may ranggo Police Officer 1 noong 2011 at nakatalaga sa Southern Police District at sa loob ng walong taon ay hindi ito na-promote dahil sa mga kasong kinasangkutan hanggang sa mag-AWOL noong 2019.

Sa intelligence gathering ng pulisya, natukoy na si Bustamante ang isa sa nagtutulak ng iligal na droga sa bisinidad ng Bilibid.

vuukle comment

DANILO GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with