^

Police Metro

Tandem strikes again… Journalist itinumba!

Mer Layson - Pang-masa
Tandem strikes again� Journalist itinumba!
Ang pinaslang na mamamahayag na si Adam Moraleta.

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang isang journalist matapos pagbabarilin sa harap ng bahay nito ng dalawang ‘di pa natutukoy na suspek na sakay ng isang motorsiklo sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City, nitong Huwebes ng gabi.

Ang pinatay na mamamahayag ay si Adam Moraleta, 45, residente ng Marcelino St., sa nasabing lugar, at aktibong miyembro ng National Press Club (NPC).

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:25 ng gabi ng mangyari ang pamamaslang sa biktima.

Ayon sa testigong si Christian Brozal, security guard sa lugar, nakarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril at nang tingnan kung saan galing ay nakita nitong duguang nakabulagta ang biktima at papaalis sa lugar ang dalawang suspek na naka-black jacket sakay ng isang motorsiklo.

Base sa ulat ng SOCO team, ang biktima ay nagtamo ng tatlong tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa ulo at katawan na siyang dahilan ng agarang kamatayan nito.

Kaugnay nito ay kinondena ng pamunuan ng National Press Club ang ‘barbaric’ na pagpatay kay Moraleta at hinihi-ling nito sa lahat ng law enforcement agency sa bansa na gawin ang lahat ng paraan para mabigyan ito ng hustisya.

vuukle comment

ADAM MORALETA

JOURNALIST KILLINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with