^

Police Metro

Digong walang balak gawing legal ang marijuana

Malou Escudero - Pang-masa
Digong walang balak gawing legal ang marijuana
Sa talumpati ni Duterte sa kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino - Laban ng Bayan (PDP-Laban) sa Victorias City, Negros Occidental, sinabi nito na maaaring gawing “excuse” lamang ng mga nagbabalak magpakalat ng marijuana ang sinasabing medicinal use nito.
File

MANILA, Philippines — Siniguro ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi magiging legal ang marijuana habang nakaupo siya sa Malacañang.

 

Sa talumpati ni Duterte sa kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino - Laban ng Bayan (PDP-Laban) sa Victorias City, Negros Occidental, sinabi nito na maaaring gawing “excuse” lamang ng mga nagbabalak magpakalat ng marijuana ang sinasabing medicinal use nito.

“Ako noong itong (medicinal?)…, ginanon ko. I’ll give you the excuse to harvest for… Sabihin medicinal. Lahat na lang mag-medicinal na. That would be an excuse. Hindi ako pumayag.  Not in my time. Not in my time. Maybe some other…, some other pre­sident maybe,” sabi ng Pangulo.

Sinabi naman ng Pa­ngulo na malaking problema pa rin ang ilegal na droga at laman ito ng mga pahayagan araw-araw.

“Ang droga nagkalat. Sobra na talaga. ­Everyday, makita mo sa crawler was seven kilos. Maski ngayong oras na ito, tingnan mo. Walang news everyday na walang shabu. Have you realized that?” sabi ni Duterte.

Muli ring nagbanta ang Pangulo na papatayin niya ang mga sumisira sa bansa at nagpapalaganap ng droga.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with