^

Police Metro

6 katao dedo sa road accident

Jorge Hallare, Omar Padilla - Pang-masa
6 katao dedo sa road accident
Patay ang magkapatid na sakay ng kotse na ito matapos na sila ay sumalpok sa isang center island sa bahagi ng JC Avenue, tapat ng isang shopping mall sa Butuan City nitong Sabado.
John Unson

MANILA, Philippines — Anim katao ang nasawi kabilang ang isang magkapatid sa magkahiwalay na sakuna sa kalsada sa lalawigan ng Catanduanes, Bulacan, at Butuan City, kamakalawa.

Sa bayan ng San Andres, Catanduanes ay nasawi ang tatlong biktima na kinilalang sina Kelou Sua, 23; Al Arci, 23; at Eada Valle, 39. Habang sugatan ang isang Joan Sab, 22.

Sa ulat, alas-5:00 ng hapon ay nagsalpukan ang dalawang motorsiklo na minamaneho ni Sua, angkas si Arci at isa pang motorsiklo na minamaneho ni Valle at angkas naman si Sab sa dalawang motorsiklo sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Lictin.

Sa lakas nang banggaan ay tumilapon sa sementadong kalsada ang mga biktima na ikinasawi ng tatlo sa kanila.

Namatay noon din ang biktimang si Joel Ednalaga matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa concrete wall, sa kahabaan ng Santa Maria-Tungkong Mangga road, Brgy. Gaya-gaya, San Jose Del Monte City, Bulacan, kamakalawa ng alas- 2:40 ng madaling araw.

Samantala sa Butuan City ay nasawi ang magkapatid na sina Renante Elisan, 47 at Frederick, 44 na umano ay mga lasing nang bumangga ang kanilang kotse na minamaneho ng una sa isang center island sa bahagi ng JC Avenue, tapat ng isang shopping mall nitong Sabado. — John Unson

vuukle comment

BUTUAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with