^

Police Metro

8 Chinese inaresto sa illegal online gambling

Lordeth Bonilla - Pang-masa
8 Chinese inaresto sa illegal online gambling

MANILA, Philippines — Walong Chinese nationals ang inaresto dahil sa umano’y pagmimintina ng illegal online gambling operation sa loob ng San Lorenzo Village, Brgy.San Lorenzo, Makati City.

 

Kinilala ang mga suspek na sina Chenchen Li; Yu Hong; Huimin Li; Jian Cai; Lei Chijin; Yaowli Xiong; Lin Yufei at Peng Cun, pawang  nasa hustong gulang, at pansamantalang naninirahan sa #22-A Briones St.,  San Lorenzo Village, Brgy.  San Lorenzo ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng gabi nang salakayin ng mga otoridad ang tinitirhan  ng mga suspek sa bisa ng isang search warrant.

Ang pagsalakay ay isinagawa matapos na makatanggap ng ulat ang mga otoridad sa nagaganap na online gambling operation.

Narekober ng mga pulis  ang mga pasaporte ng mga suspek, compu­ters at laptop na ginagamit sa kanilang  illegal na operasyon.

Sasampahan ng kasong paglabag sa cyber crime prevention act at isailalim sa proseso ng deportation proceedings ng Bureau of Immigration.

vuukle comment

ILLEGAL ONLINE GAMBLING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with