^

Police Metro

3 gunrunner, utas

Mer Layson - Pang-masa
3 gunrunner, utas
Sa ulat, dakong alas-3:45 ng hapon bago naganap ang engkwentro sa Cavite St., Brgy. Bago Bantay ay nakatanggap ng tip ang pulisya na ang tatlo ay sangkot sa illegal na pagbebenta ng baril kaya’t nang makumpirma ang impormasyon ay kaagad na nagkasa ng buy bust operation at nagpanggap na bibili ng tatlong shotgun sa mga suspek.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Napatay ng mga otoridad sa isang buy bust operation ang tatlong lalaki na umano ay hinihinalang “gun runners” nang manlaban ang mga ito kahapon ng hapon sa Brgy. Bago Bantay, Quezon City.

Isa sa suspek ay kinilalang si alyas ‘Turo’ habang hindi pa rin batid ang pagkakakilanlan ng dalawang kasamahan.

Sa ulat, dakong alas-3:45 ng hapon bago naganap ang engkwentro sa Cavite St., Brgy. Bago Bantay ay nakatanggap ng tip ang pulisya na ang tatlo ay sangkot sa illegal na pagbebenta ng baril kaya’t nang makumpirma ang impormasyon ay kaagad na nagkasa ng buy bust operation at nagpanggap na bibili ng tatlong shotgun sa mga suspek.

Bago pa man natapos ang transaksiyon ay nakahalata ang mga suspek na aarestuhin sila kaya’t dalawa sa mga suspek ang nagbunot ng baril at pinaputukan ang otoridad, na gumanti naman ng putok, at nagresulta sa pagkakapatay sa tatlong suspek.

vuukle comment

GUN RUNNERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with