^

Police Metro

2 holdaper tumba sa barilan

Joy Cantos - Pang-masa
2 holdaper tumba sa barilan
Sa report ni Laguna Provincial Police Office Acting Director P/Sr. Supt. John Kirby Kraft, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang maganap ang shootout sa pagitan ng mga suspek at ng mga nagrespondeng otoridad.
File

MANILA, Philippines —  Bumulagta ang dalawang pinaghihinalaang notoryus na holdaper makaraang makaengkuwentro ang mga otoridad sa Purok 7, Brgy. Pansol, Calamba City, Laguna nitong Sabado ng madaling araw.

Sa report ni Laguna Provincial Police Office Acting Director P/Sr. Supt. John Kirby Kraft, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang maganap ang shootout sa pagitan ng mga suspek at ng mga nagrespondeng otoridad.

Bago ito ay humingi ng saklolo ang biktimang si Angelo Gelo Arcita, 17-anyos sa mga operatiba ng Special Weapons and Tactics (SWAT) team ng pulisya na nagpapatrulya sa lugar matapos na hol­dapin ng mga suspek ang kanilang tindahan.

Sa salaysay ng biktima, kasalukuyan siyang natutulog sa loob ng kaniyang tindahan nang katukin ng mga suspek na nagpanggap na mga kustomer kung saan nang kaniyang pagbuksan ay agad siyang tinutukan ng baril sabay deklara ng holdap.

Nagawang matangay ng mga suspek ang P8,000 benta sa tindahan at dalawang malaking bote ng lambanog.

Ang mga suspek ay mabilis na tumakas lulan ng tricycle kung saan ay agad naman itong hinabol ng mga pulis pero sa halip na sumurender ay nagpaputok pa na nauwi sa shootout .

Sa kasagsagan ng pa­litan ng putok ay kapwa bumulagta ang dalawang suspek na bagaman nagawa pang maisugod sa pagamutan ay kapwang idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

POLICE SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with